Hay naku, after a long day at work, eto pagdating sa bahay, kuha ng mails si Husband. Pagbukas nya ng isang sobre, andun, may penalty daw kami kasi nagbayad ng late sa rent.
"What, totoo ba yang sinasabi mo ?? Patingin nga .." and there nabasa ko nga na may penalty na $25.00 . Bumunot ako ng matinding buntong hininga bago ako nagsalita...
" Are they kidding me ?? Anong late ang sinasabi nila na nagbayad nga tayo ng a-kwatro, at hindi after the 5th. And nung a-uno pa nga dapat kaso yung manager nila na inassign dito eh laging wala sa office !! Kung after the 5th tayo nag bayad eh yun ang may penalty "
"Bakit nila tayo ipepenalty if we paid them before the 5th. Wag nga nila tayong pinagluluko, kesyo ba Pinoy tayo ?? We're not fools you know " .
Pagtingin ko sa date when they encashed our check, it was on the 17th. Kya siguro chinacharge kami ng late fees. Eh kasalanan ko ba if they encashed it on the 17th when we gave it to them on the 4th ??? Sus me, kakagigil ha? Minsan a-uno pa lang, nagbibigay na kami ng upa but it will take them about 3 weeks to encash our payment tapos now kami pa ang ipepenalty ? Mga hunghang ba sila ?? Husband told me that things like this happens, not just to us .
" But this is America, Ney . Di ba dapat matatalino mga tao dito ? Ano ba to, kala ko the best na ang mga andito, simpleng simple lang di muna nila idouble check their copy of the receipts bago nila sabihing late ito, charge natin tong renter na to. "
Baka naman kasi mga highschool graduate na naman lang ang mga office staff ng opisinang ito kaya may pagka eng eng? Hay naku, humanda sila pag nagpunta ako sa office nila, I have proofs you know. Ayaw na ayaw ko pa naman nagagalit, sabi nga ni Incredible Hulk, "please don't make me angry, you won't like me when I'm angry..... "
And di pa dyan natatapos ang mga kapalpakan ng araw na to...
Eto pa, I checked my bank transactions, sabi dun ng isang item, CUSTOMER WITHDRAWAL ... $10.00. Di ako mapakali so I called the customer service, sabi nagwithdraw daw ako sa Concord Salvio. Huh? Ako nag withdraw eh di ko pa nga nagagamit tong atm card na to sa kahit anong ATM machine?? Ano yun, nagwithdraw ako na tulog ? As in I swear, di ko pa nga to natetest kahit sa anong ATM machine kasi hiya ako na magtry hahahha...(now you know ) I tried calling the Salvio branch but it was already closed. So eto ako ngayon, till now, iniisip ko pa what exactly happened there. As in pati tuloy ako gusto kong magduda na baka nga nag withdraw ako pero never eh, sure ako.. I have some cash and checks to deposit but we don't have the time to go to the bank yet so di talaga ako nagpunta dun.
Hay naku, hay naku , bakit kayo ganyan ??? Ang ganda ganda ng uwi ko biglang pumangit ang gabi ko.
Kaya Pilipinas, di ka nag iisa... Kung may mga nakakainis na mga pangyayari dyan, dito sa pinaka the best na bansa ng mga Amerikano eh meron ding mga kapalpakan.
Update Jan 23, 2006:
- The bank made an error so they put the $10.00 back to my account.
- The apartment manager will not charge us of any late payments and was sorry for their mistake..
Sus me, kung di pa pala kami magreklamo eh.. ano ba yan ???
Recent Comments